Thursday, December 24, 2015

it takes time...

"IT TAKES TIME"




Bumuhos ang ulan.
Pumatak ang kanyang luha.

Kasabay ng malamig na hanging humahaplos.
Ang pusong dinurog at pinulbos.
Nalulunod sa sakit, lumulubog.
Hindi alam kung makaka-ahon.



Bumuhos ang ulan.
Pumatak ang kanyang luha.

Malungkot parin gaya ng kahapon.
Alaala ay hindi parin naiibabaon.
Mahirap ang paglimot.
Matagal.



Bumuhos ang ulan.
Pumatak ang kanyang luha.

Pero hindi tulad ng nakaraan.
Maayos na ang pakiramdam.
Tanggap na ang lahat.
Hahakbang at ipagpapatuloy ang lakad.

Wednesday, December 9, 2015

What composes the classroom?


"What composes the classroom?"

(self-opinionated)



1. Maingay. Well dalawa naman kasi ang klase ng mga maiingay na students.
1.1 Yung mga maiingay na as in. Yeah, tipong walang pakialam sa iba basta masaya sila. Tawa dito tawa doon then akala mo sa kanila umiikot yung mundo ng buong classroom.
1.2 Mga matatalinong maingay. Okay na sana e. Kaso i-broadcast mo ba naman sa lahat ang mga whatnots mo buhay. Na ikaw magaling dito diyan. Goodness taas ng tingin mo sa sarili mo. Ikaw na laging may side-comment sa lahat ng sinasabi ng teacher - buti sana kung related sa topic puro ad hominem naman. Uso lumaklak ng humility.


2. Silent Killers. Mostly mahiyain, weird, autistic, introvert, anti-social, nerd. Nagmamasid lang sila sa lahat ng mga bagay bagay pero sa loob ng mind nila maraming comments ang mga yan. Hindi mo lang alam pinapatay ka na nila sa isip nila. Observer din sila. Ultimo pag kulangot mo nakikita nila. Whatch out.


3. Slowpoke. Yung level ng common sense nila uhmmm below normal. Or turtle/snail net yung pag-loading ng info sa utak nila. Tapos na kayong tumawa siya tatawa pa lang. Intindihin na lang natin sila.


4. Happy Go Lucky. Pero nag-aaral naman "daw" ng mabuti. Sila yung di masyadong dinidibdib yung pag-aaral ngunit kahit papaano nag-aaral. Gets? Hahaha Hindi sila grade concious - kung ano lang ang nakayanan ng utak yun na. Mostly matalino din naman sila. Yun lang di masyadong responsible. Tamang aral. Tamang review lang. Sila din madalas magkapit-bisig sa quizes at exams (basta mag ka-set ng testpapaer).


5. Doctors. Ang hirap kasi ng lesson kaya kapit sa bolpen na pinangsagot mo para di halata and lets do the surgery. Hahaha Tamang gamot lang naman. Pero ako nurse pa lang. XD


6. Yung mga punyemas na nagtatago ng ID, naglalagay ng used bottled water, buhangin, bato, wrappers, dahon sa bag, nagpapaligo ng polbo sa buhok. Saklap.


7. Lab Teams. Yung iba katuwaan lang. Yung iba sila talaga. Yung iba palihim lang. Yung iba ginawang SOGO yung classroom.


8. Mga Dont Give Up ang motto sa buhay. Sila yung Gh4ni2 m@6tHype eFhowRt lezxz. (Kinina ang hirap!)


9. Hater. Judger. Nakaka-PROVOKE naman kasi yung iba. Ang daming arte sa buhay. Ang daming drama. Ang OA. Ang yabang pinaglihi sa AC. Ang childish. Ang epal. Akala mo kung sino parang yung nag-sulat nito. (Oo na, judge only the person if you know her/his story pero libre ang hate *wink*)


10. Who Cares. Mga walang pakealam sa nangyayari. Yung iba naka-earphone lang palagi kahit wala naman music. Don't-talk-to-me lagi yung face nila. Basta hindi sila nakikipag-interact basta basta.


Others. E.g : yung mga namumulot ng bolpen, di nagbabalik ng bolpen, laging humihingi ng yellow paper. Yung mga makabasag pinggang mga singer, profs pet, yung sinasabihan ng "estudyante ka ba?" ng prof, yung laging puyat kasi may ka-call ng 4 hours kaya sa school minsan nag-nanap, yung paboritong pinagbubura lagi ng board at mga patuloy na lumalaban sa buhay kolehiyo para sa ekonomiya at kinabukasan sa hinaharap.

Friday, September 4, 2015

Clash of Mobiles


“Clash of Mobiles”


 
Friend!

Anong brand ng latest mong phone?

Mansanas ba na may kagat?

Nokia?

Samsung ba yan?

Lenovo, Huawei, Asus o Sony.

Prutas siguro no?

Cherry at Blackberry.

Pwede ring Myphone o

Di kaya naman Cloudfone.

 

Friend!

Hindi lahat ng naka iPhone alam gamitin ang features niya.

Nakikiuso kasi social sa mata.

Pero masaya kasi mamahalin diba?

Halos lahat ng android phones rooted na.

Gustong mapaganda ang User Interface niya.

Yung iba ayaw subukan ang bago sa mata.

Pinipiling pumirmi sa nakasanayan na.

Explore the world.

Nasaan ka na? Na-Stock na?

 

Friend!

Hindi na alam kung ano ang bibilhin.

Basta bago,Sige!

Ang dami ng Chinese Brand.

Dami ng complaints sa Local brands.

Naglalakihan na ang mga cellphone.

Panipisan na ang labanan.

 

Pero ako

Marami mang mas maganda at mahal na nagamit,

Paborito ko paring gamitin ito.

Black and White.

 Bigay pa ng lolo ko nung 10 taon ako.

 

 

 


 

 

 

 

 

 

 

Tuesday, August 11, 2015

Equinox ng Puso

Equinox ng Puso


Dumating ang Tag-lamig.
Bakit tila sumabay ang puso mo.
Hindi na maramdaman ang init ng araw.
Nabalot na ng kalungkutan ang dating kasiyahan.


Umuulan na sa labas.
Tila nakikisabay sa pait ng pag-ibig.
Malakas tulad ng pag-iyak ng mga mata.
Hindi na muling sumulong at nagtampisaw pa.


Taglagas na kinabukasan.
Sana kasabay ng mga dahon,
 Sa punong dati nating tagpuan,
Liparin narin ng hangin ang natitirang damdamin.


Sumikat ang araw.
Bagong pag-asa ang sasalubungin.
Sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasan.
Matatag-puan din ang walang hannggan.







The Pessimist’s Soliloquy

The Pessimist’s Soliloquy


Kinder.
Magkahawak ang ating mga kamay,
Habang kinakanta ang bagong tinuro ni teacher.
Kumakain ng ice cream na binili sa suki nating si Mang Kiko.
Ang saya-saya nating dalawa.

Elementary.
Bestfriend "forever" ang pangako natin sa isat-isa.
Lagi kitang tinutukso na baboy at maliit.
Iiyak ka at mag-sosorry ako.
Patatawarin mo ako at bati na ulit tayo.

Highschool.
Bihira ng magtagpo ang ating mga kamay.
Minsan na lang tayong mag-usap at mag-kita.
Iba na ang mga kasama mo
Marami na ang nag-bago.

College.
Handa na akong magtapat sayo.
Ngunit mas pinili kong itago na lang ang lahat.
Dahil pinakilala mo siya sakin’,
 Ang taong nag-papasaya sa buhay mo.


 Na sana ako.
Masakit.
Huli na ang lahat...



Friday, August 7, 2015

Sapin sa Paa

"Tsi ‘N Las"


Sa bawat araw na dumaan
Magmula sa pagsikat ni haring araw.
Hanggang sa paglubog nito at sa pagsilip ng buwan.
Naging parte kami ng inyong buhay.
Kasama kami kahit saan.
At mananatili magpakailan man.


Pangarap lang naman namin ang wag kaming mag-hiwalay.
Bukod sa ayaw namin,
hindi kami sanay.
Paano kung ang isa sa amin ay mawalay?
Hindi namin kakayanin,
Baka isa sa amin ang mamatay.


Wag naman sana kami pagurin,
Dahil dala ng pagod,
 Tanda at panahon.
Baka isang araw hindi na namin kayanin?


Buhay namin ay sadyang napaka-iksi.
Darating ang araw na susuko kami,
Sa inyong mga paa na aming pinagsilbihan ng mahabang panahon.
Kami sina Tsi ‘N Las.
Proud to be!!







Monday, July 6, 2015

Mga Katanungan sa buhay ng isang Tambay


 Bunga ng malikot na isipan at walang magawa sa buhay. Matagal pa ang aking pasukan at inaamag na ako sa bahay at tambay. Inihahandog ko po sa inyong lahat:

 Pag-reresearch sa mga ilang katanungan sa buhay ng isang tambay (nabigyang kasagutan)

Topic: Childhood



"Bakit pinapalo sa puwet ang mga bagong kakapanganak na sanggol?" Oo nga no? Bakit nga ba sila pinapalo? Bakit sa puwet? Ayon sa aking walang katuturang opinyon, pinapalo sila sa puwet dahil gusto ng mga doctor na pahirapan ang sanggol. Gusto nilang paiyakin ang kawawang bata na naglagi ng siyam na buwan sa banga ng kanyang ina. Ang batang walang kamuwang-muwang sa mundong puno ng mga ahas, buwaya at paasa. Pero seryoso, gustong lang maiparating ng mga doctor na healthy ang bata both physically and emotioanally. Sa papaanong paraan? Kapag pinalo sa puwet ang bata at nasaktan ito,magsisimulang umiyak ang bata. At sasabihin ng bata (syempre hindi pa sila nakakapagsalita at tanging pag-iyak lang, pero ganito) “Mommy, ang kapal ng mukha ng doktor na yan na paluin ako sa puwet. Humanda siya paglaki ko. I swear, makikita niya” Oh diba? Ibig sabihin, gumagana ang senses ng bata. Ang saya.

Balik sa katanungan, bakit sa puwet? Pwede naman sa kamay o sa paa. Pwede naman kurutin na lang o kaya kilitiin hanggang sa manginig at humagalpak sa tawa ang bata. Hindi ko alam ang tamang sagot pero sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag. Masasabi kong sa puwet dahil makapal ang balat natin dito at puro taba. Diba? Hindi masyadong masakit.

                                                                              ~~~~~

“Am-Am”, “Ungek Ungek”, “Hua Hua”, “Ma-ma de-de”

“Maria, ang ingay ng bata. Padedehin mo nga!”

“Eto na Gardo. Bantayan mo muna yung niluluto ko!”


Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi mo alam ang lasa ng gatas ng ina kahit mahigit 1 or 2 years mo itong naging paboritong inumin noong bata ka pa?
Ako nagtataka, kasi nagbreastfeed naman ako dati at hindi ko matandaan ang lasa nito. Maari kayang matamis, maalat, malinamnam, masarap, walang sarap o walang lasa. Ano nga kaya? Ang sagot sa katanungan ay dahil bata pa tayo noon at wala pa sa bokubyularyo natin ang salitang lasa-lasa basta kahit ano ang ipakain sa atin ay “go” na tayo. Lingid din sa kaalaman ng iba, hindi pa fully develop ang sense of taste ng mga uhuging batang ito.(Ikaw yun! I mean tayo pala)

Kung bibigyan ka ba ng pangalawang pagkakataon ng kapalaran na tikman ulit ang napaka-misteryosong gatas ng ina, gugustuhin mo ba? Ako, for the sake of my curiosity, OO ang magiging pasya ko. Ang problema lang nakahiya at ang awkward naman. Imagine mo ang isang 18 years old na dumedede sa dede ng ina para lang malasahan ang gatas nito. Hindi makatarungan sa lahat ng mukha at aspeto ng pamumuhay. Pero dahil pursigido talaga ako sa aking hangarin, bibili ako ng breastmilk kung may magtitinda sa akin. Kahit isang baso lang at kapag hindi ko naubos. Gagawin kong ice candy.

                                                                                   ~~~~~~


 Sumasagi ba sa iyong isipan minsan ang mga alaala ng maaasim, uhugin at pawisan mong mga kaibagan?

Si Nik-Nok na animoy parang may braces sa ngipin na kulay itim. Nasobrahan siya sa paglamon ng lollipop, MAXX, X-O at toki-toki. Si Bakekang na hindi nagtotooth-brush. Amoy bangkay ang hininga e pero kahit ganoon yan magaling siya sa ten-twenty at piko. Si Nonong na pinakalbo ng tatay niya kasi kalalaking bata ang daming kuto. Nakakadiri kaya pero magaling yan sa holens at kung di ko lang yan kaibigan, sasabihin kong dinadaya niya ako palagi sa text at pogs. Si Ann-Ann na mukhang daga. Hindi kasi marunong magsuklay at magayos ng sarili. Tatlong beses lang ata sa isang linggo maligo kaya siya madalas ang suspect namin na may putok sa kili-kili (pinagkalat ko kasi). Dinaig pa ang Vinegar Pusit at Oishi Cracklings sa sobrang asim niya. Kabaligtaran naman niya si Kikay na kulang nalang maging Christmas tree ang katawan sa dami ng nakakabit na kolorete sa kanya. Ayaw niya sa madudumi at laging siyang may baon na polbo at suklay. Pero maganda siya, yun nga lang ang sama ng ugali niya at lagi siyang nagsusungit.


Ano naalala mo na ba? Kung hindi pa? Ipapaalala ko sayo.

  • Ito yung mga panahong di ka pa concious sa pag harvest ng kulangot mo at pagkatapos ibibilog at pipitikin papunta sa napiling target mo.
  •  Kung kailan ka natutong humingi ng limang piso kasi wala ng mapupuntahan ang piso. 
  • Kung kailan ka natututong dumekwat sa wallet ng nanay mong nakatago pa sa pinakailaliman ng drawer ng dorabox niyo. 
  • Kung saan uuwi kang may sugat sa tuhod at pasa sa katawan kasi nakipag-wrestling ka dahil natalo ka sa luksong baka.
  •  Kung saan pudpod lagi ang tsinelas kakalaro ng "finish" sa kanto nila Aling Bebang. Kung saan unahan sa pagpunta ng eskwelahan dahil magiging "Most Punctual" ka pag nagkataon (achievement!). 
  • Kung saan sumama ka sa mga kaibigan mong kumuha ng mangga at bayabas sa likod ng eskwelahan gamit ang mga bato. Sa kasamaang palad, ayun bintana ng CR at Classrooms ang natamaan.
  •  Kung saan kinakabahan, nanginginig at pinagpapawisan ka ng malamig na magpanatang makabayan sa harapan ng flag ceremony. 
  • Kung saan marami kang kaibigan at kaaway (di ka namin ka-bati, bleh!).

Ang daming “kung saan” at “kung kailan”. Hindi ito matatapos kung hindi ko tatapusin. Basta ang alam ko lang. Ang saya na minsan naging isa ako sa mga batang uhugin na laging nakakalat sa kapitbahay, sa bakuran at sa kanto. Kahit na pinalo ako noon sa puwet at kamay ni Madam Rosario, piningot sa tenga ni Madam Manalo at kinurot sa singit ni Sir Kalbo.




Credits:
Toshiba Laptop, Nokia Lumia WP, SmartBro Wifi, Internet Explorer, Bing at Google. :)




Tuesday, June 30, 2015

Ipis na feeling Butterfly



Ang Ipis na feeling Butterfly


Isang araw, sabihin nating mga  ala una ng tanghali, sabado, kung saan tirik na tirik ang haring araw. Mainit at maalinsangan. Nanlalagkit sa pawis, nangangamoy sa maasim na pawis. Napagpasyahan ni Bebang na maligo na muna.


Pero bago yun, bumili mo na siya kina Aling Charo ng Safeguard, Palmolive, Creamsilk at Colgate.


“Grabe ang init talaga” parang sirang plakang paulit-ulit niyang binibigkas. Animoy isang orasyon na tumatawag sa mga diyos ng hangin at tubig. Iniimbitahan ang kalikasan na umiyak ng sangkaterbang luha para madiligan ang naghihinaglong lupa.


Kinuha niya ang kanyang Hello Kitty design na tuwalya at pumasok na sa kanilang banyo. Excited ang kanyang katawang damhin ang ginhawang maihahatid ng tubig sakanya pansamantala. Binuksan na niya ang faucet kasi wala naman silang shower. Hinihintay na mapuno ang timba na siyang pinaglagyan dati ng tinapay. Napuno ang timba at pinatay ang gripo.


Dahil sa mahika na taglay ng mahiwagang CR at tubig sa timba. Hindi muna siya naligo. Nilaro-laro muna niya ang tubig na animoy may mga sirena at isda na lumalangoy sa timba. Ang tabo ang siyang nagsisilbing swimming pool ng kanyang toothbrush na magliligtas sa malulunod na mga taong nagmula sa kanyang malikot na kathang-isip.


Natapos ang limang minuto. Maliligo na talaga siya. Kinuha ang tabo, sinalok sa timba, pinuno at handang ibuhos sa kanyang katawan. Isa. Dalawa. Tatlo. Tumigil ang tabo sa ere. Hindi siya makagalaw. Hindi niya alam ang gagawin sa agaw eksenang insekto na lumilipad sa apat na sulok sa kanilang CR.


Nabitawan niya ang tabo.


Tumayo at bigla siyang lumabas.


Nagsisigaw siya.


“Siyet!”

“Fak”

“Tungnu”

“Ipis, Oh my G!”

“Ipiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiis”


Sa kakatakbo niya. Nakarating siya sa kanilang sala. Tatlong pares na mga mata ang gulat na nakatitig sa kanya. Doon lang ulit pumasok sa kanyang pag-iisip na tanging “panty” lang ang kanyang suot.



Sa kasamaang palad, dito na nga nag-mula ang ideya at inspirasyon ng kweto at panahon ng mga  ipis ng feeling butterfly.

Sunday, June 28, 2015

Soon... Be Better.

Untold
(left alone)

Umuulan noon.
Natatandaan ko pa yung araw na yun. Kung kailan mo ako tuluyang iniwan. Hindi man lang nag-paalam. Hindi man lang nagsabi kung saan ang pupuntahan. Ni “ha” ni “ho” wala. Ngunit patuloy parin akong naghintay. Kahit hindi sigurado kung babalik ka pa. Pero. Umasa parin ako. Sayo. Lumipas ang panahon.

Umuulan ngayon.
Natatandaan ko parin yung araw na yun. Kung kailan mo ako tuluyong iniwan. Marami na ang nag-bago. Pero. Ang tinitibok nito,hindi. Nandito ka na. Sa tabi ko. Nangakong hindi na ulit ako iiwan. At magsasama nang walang hanggan. Ako rin. Pramis.

Umuulan pa rin. 
Nagising ako. Sa katotohang hindi na talaga maibabalik ang nakaraan. Panaginip lang pala ang lahat. Pero. Natatandaan ko parin talaga yung araw na yun. Kung kailan mo ako tuluyong iniwan. Siguro nga may katapusan ang lahat. Hindi nga lang sa paraang gusto mo. Sana. Sumikat na ang araw. Bukas....