”Untold”
Umuulan
noon.
Natatandaan ko pa yung araw na
yun.
Kung kailan mo ako tuluyang
iniwan.
Hindi man lang nag-paalam.
Hindi man lang nagsabi kung
saan ang pupuntahan.
Ni “ha” ni “ho” wala.
Ngunit patuloy parin akong
naghintay.
Kahit hindi sigurado kung
babalik ka pa.
Pero.
Umasa parin ako.
Sayo.
Lumipas ang
panahon.
Umuulan
ngayon.
Natatandaan ko parin yung araw
na yun.
Kung kailan mo ako tuluyong
iniwan.
Marami na ang nag-bago.
Pero.
Ang tinitibok nito,hindi.
Nandito ka na.
Sa tabi ko.
Nangakong hindi na ulit ako
iiwan.
At magsasama nang walang
hanggan.
Ako rin.
Pramis.
Umuulan
pa rin.
Nagising ako.
Sa katotohang hindi na talaga
maibabalik ang nakaraan.
Panaginip lang pala ang lahat.
Pero.
Natatandaan ko parin talaga
yung araw na yun.
Kung kailan mo ako tuluyong
iniwan.
Siguro nga may katapusan ang
lahat.
Hindi
nga lang sa paraang gusto mo.
Sana.
Sumikat na ang araw.
Bukas…