Tuesday, December 20, 2016

Hihintayin Kita



Hihintayin kita…


Ang tulang ito ay sinulat ko para sayo. Oo sayo, na pinag-alayan ko ng aking buhay. Ng aking dugo at puso.  Ang taong pinangakuan ako ng mundo. Yung Dalawa lang tayo.  Habang-buhay. Peks man. Mamatay man. Nasaan ka na? Hinintay kita. Mali kasi hinihintay pa rin kita at patuloy akong umaasa na muli tayong magkita.


Ilang buwan na ba ang nakalipas? Taon? Sariwa pa rin ang sugat. Nakaukit pa rin ang bakat. Ang sabi mo'y may  pupuntahan ka lang. Ang sabi mo malayo baka ikaw ay matagalan. Natuyot na ang mga dahon ng mangga. Ang tag-ulan ay paparating na. Masaya ata ang naging destinasyon mo. Tila nakalimutan mong may ako. Alam mo? Araw-araw pa rin akong naghihintay sa paborito nating tagpuan. Araw-araw din akong umuuwing luhaan. Pero okay lang. Hindi ako mapapagod. Hinding hindi.

 
Lagi kong ipinapanalangin na sanay umuwi ka na. Makita. Mayakap. Makausap. Ang sabi nila nagmumukha na akong tanga. Eh sa mahal kita. Narinig kong usap-usapan na nasa magandang lugar ka. Sana'y isinama mo ako. Hindi iyong ganito. Kinakain ako ng kalungkutan. Nawalan ng kulay ang kapaligiran. Miss ko na mga halakhak mo. Ang mga ngiti mo. Miss na miss na kita.  Sa ala-ala na lang kita nasusulyapan.


Kahit anong gawin hindi ko magawang magalit sayo. Iniwan mo ako. Nagsinungaling ka. Ang daya mo! Hindi ka tumupad sa pangako. Pero pinanghahawakan ko ang kataga mong "babalik ako". Babalik ako. Babalik ka pa nga ba? Bakit ganoon? Sana ay kaya kong ibalik ang kahapon. Yung mga araw na masaya tayo. Makulay ang aking mundo. Malakas ang tibok ng ating puso. Wala e. Isa na lang ang tumitibok. Ang sa akin na lang.


Minsan nararamdaman ko ang mga yakap mo sa aking panaginip. Nagigising ako. Umaasang ikaw ang nasa tabi ko. Oo nga pala. May check-up na naman ako bukas. Hindi ko alam kung para saan iyon. Pero marami silang tinatanong. At ikaw ang laging laman ng mga tanong. Nakapag-move on na daw ba ako? Ang minsan nilang tanong. Syempre hindi ang aking sagot. Ayaw ko. Bakit kita kakalimutan? Bakit ko itatapon ang ating pagmamahalan. Bakit?


Ang sabi ng babae sa clinic "Kailangan. Hindi man magiging madali pero magiging maayos din ang lahat. Unti-unti. Makakayan mo rin. Simulan mo sa pagtanggap. Malungkot. Oo. Masakit. Oo. Pero parte na lang siya ng nakaraan. Isang masayang gunita. Isang masayang ala-ala. Ang taong mahal mo ay kasama na ng Maykapal sa Paraiso." 




Hindi ko sila maintindihan. Nasaan ka na ba kasi? Ang tagal mo naman. Maghihintay ulit ako sayo bukas. Sa dati nating tagpuan.

Monday, May 2, 2016

Papel de Pag-asa


"Papel de Pag-asa"

Saktong pasado ala una nang pumasok ako sa room. One sit apart. Umupo na ako sa unahan sa may malapit sa proctor. Nagbayad ng dalawang piso para sa test paper. 

Magkakalayo kami ngayon ng mga kaibigan ko. Medyo late  kasi ako dumating. Nagumpisa nang magdasal sa lahat ng santo at sa mahiwagang ensaymada na sana gabayan ako.


Patapos na ako. 


Effective ang dasal. Pero mas effective sa mga kaklase ko ang kumakalat na gamot. Gamot sa tinitigang papel. Gamot sa lahat ng fill in the blanks, enumeration at identification. Gamot sa impeksyon na nagsimula sa isa na ipinasa sa kaibigan at ipinasa ulit sa kanyang another circle of friends na: "Tol/ beh wag na tayong mag-review. Bahala na si Pot-Pot at Mai-Mai. Baka may mamahagi na naman ng kaalaman at kodigs. Hahaha"




(Hope to be publish in our university literary portfolio)

Friday, April 8, 2016

The Introvert



The Introvert
arseneth.turla




creating a world
exchanging thoughts
with the magical rhythm
singing with the stars
dancing with the clouds
perfect horizon
laughing mindlessly
surreptitiously
together with the harmony
of the deep blue sea
one, two, three
footsteps
left and manifested
lone but blissed
the rain pours
free




Monday, March 14, 2016

Lezz talk about cactus.


BAKIT KA NAGMUMURA?


Isang simpleng katanungan pero mapapaisip ka ng tunay. (tangina hindi ba?)
Ngayon bakit nga ba ako, ikaw, siya, sila, tayo nagmumura?

Sagot:


To express something beyond impossible.
Yung feeling na hindi mo maexpress or mahirap i-express kasi walang tama at sasaktong words para doon. Masyadong awesome, extravagant, shocking, surprising, electrifying, depressing, heartbreaking, funny, epic,  at kung anu-ano pang mga kagimbal-gimbal na mga pangyayari at nagaganap sa araw-araw nating pamumuhay.

For example:

May nakitang maganda o seksi o makalaglag panty at brief na nilalang.

v  Fuck! Ang ganda niya pre.
v  Shit! Ang gwapoo. (sabay hampas sa katabi habang nanginginig pa)

May narinig na nakaka-ewan at nakakabaog ng utak.

v  Hala puta ano yun? Paano yun?

Pag nakasalubong ang dating kakilala o klasymet noong elem at hayskul.

v   Putangina mo kamusta ka na?! Buhay ka pa pala. May anak ka na daw. Gago hindi mo man lang ako kinuha sa binyag.
Ang daming maliliit na bagay at mga pangyayari na kahit mababaw, kakambal na nito ang pagmumura. Malutong!



 Stress reliever
Alam mo yung pakiramdam na tumatae? Parang pagmumura din yun. Naiilabas mo yung mga hinanakit at masasamang bagay na pwedeng ilabas. SUCCESS ika nga. Mahirap kasing itago ang mga bagay na nagpupumilit sumabog sa ating mga matatalinong bibig. Kung gusto mong magmura kasi may nakakabwisit, nakakainis, nakakabadtrip, nakakabobo, nakakatanga, nakakaWTF, nakakagago, nakakakulo ng dugo, nakakadilim ng paningin. Go ahead! Masarap sa feeling. Masaya. Ha-Ha-Ha


• Others included (Itemized)



+ Naka-apak ng tae. Shit shit!
+ Trapik at late ka na.
+ Bagsak. Bwisit talaga.
+ Nakapasa kahit di nagreview. (Putangina partida pa yun)
+ Pinaasa. (Makikita ng gagong yun!)
+ Iniwan. (Fuck you!)
+ Pinagpalit sa puta o mukhang lulong sa droga
+ Mabagal magreply, Hindi nagreply
+ Seen Lord akala mo naman peymus. (Shit lang diba?)
+ Walang pera.
+ Lowbat na. (Crap, wrong timing!)
+ Biglang pinagpawisan at binabagyo ang tiyan. (Alam na)
+ Pinaniwalang forever na kayo pero hindi man lang umabot ng isang buwan. Saklap tangina.
+ Naghintay at Pinaghintay sa wala.(Eto talaga yung wala ka ng pwedeng sabihin kundi TANG-INA)
+ Di pumasok ang prop pero ang aga mo tapos nag-review ka pa kasi alam mong may quiz. Nakakagago yun.
+ Surprise quiz. Kingina pag ganyan.
+ Walang pasok. (Rejoice mothafuckas!)
+ Flatchested ka. ./.
+ Mabaho ang hininga ng katabi. Fuck!



At marami pang iba. Sabi ko nga diba lahat lahat. Lahat ng takbo sa pagiisip ng tao hanggang sa pagbuka ng bibig nito. So basically, Bakit ka nagmumura? Kasi palamura ka. Pero hindi ibig sabihin na nagmumura ay masama na agad. Well, medyong slight na masama talaga. HAHAHA Kaya bawasan na lang natin. Pero alam ko kasing mahirap pigilan.


21st Century na rin at minsan ang pagmumura ay expression na lang. Way of reacting. Stimulus. By the way, it's only my opinion. It can be right and wrong based sa ibat-ibang perspective ng tao. No offense intended. Just pure fun.



                                           

Thursday, February 18, 2016

”Untold”

Untold”



Umuulan noon.
Natatandaan ko pa yung araw na yun.
Kung kailan mo ako tuluyang iniwan.
Hindi man lang nag-paalam.
Hindi man lang nagsabi kung saan ang pupuntahan.
Ni “ha” ni “ho” wala.
Ngunit patuloy parin akong naghintay.
Kahit hindi sigurado kung babalik ka pa.
Pero.
Umasa parin ako.
Sayo.


Lumipas ang panahon.



Umuulan ngayon.
Natatandaan ko parin yung araw na yun.
Kung kailan mo ako tuluyong iniwan.
Marami na ang nag-bago.
Pero.
Ang tinitibok nito,hindi.
Nandito ka na.
Sa tabi ko.
Nangakong hindi na ulit ako iiwan.
At magsasama nang walang hanggan.
Ako rin.
Pramis.




Umuulan pa rin.
Nagising ako.
Sa katotohang hindi na talaga maibabalik ang nakaraan.
Panaginip lang pala ang lahat.
Pero.
Natatandaan ko parin talaga yung araw na yun.
Kung kailan mo ako tuluyong iniwan.
Siguro nga may katapusan ang lahat.
Hindi
nga lang sa paraang gusto mo.
Sana.
Sumikat na ang araw.


Bukas…


Thursday, December 24, 2015

it takes time...

"IT TAKES TIME"




Bumuhos ang ulan.
Pumatak ang kanyang luha.

Kasabay ng malamig na hanging humahaplos.
Ang pusong dinurog at pinulbos.
Nalulunod sa sakit, lumulubog.
Hindi alam kung makaka-ahon.



Bumuhos ang ulan.
Pumatak ang kanyang luha.

Malungkot parin gaya ng kahapon.
Alaala ay hindi parin naiibabaon.
Mahirap ang paglimot.
Matagal.



Bumuhos ang ulan.
Pumatak ang kanyang luha.

Pero hindi tulad ng nakaraan.
Maayos na ang pakiramdam.
Tanggap na ang lahat.
Hahakbang at ipagpapatuloy ang lakad.

Wednesday, December 9, 2015

What composes the classroom?


"What composes the classroom?"

(self-opinionated)



1. Maingay. Well dalawa naman kasi ang klase ng mga maiingay na students.
1.1 Yung mga maiingay na as in. Yeah, tipong walang pakialam sa iba basta masaya sila. Tawa dito tawa doon then akala mo sa kanila umiikot yung mundo ng buong classroom.
1.2 Mga matatalinong maingay. Okay na sana e. Kaso i-broadcast mo ba naman sa lahat ang mga whatnots mo buhay. Na ikaw magaling dito diyan. Goodness taas ng tingin mo sa sarili mo. Ikaw na laging may side-comment sa lahat ng sinasabi ng teacher - buti sana kung related sa topic puro ad hominem naman. Uso lumaklak ng humility.


2. Silent Killers. Mostly mahiyain, weird, autistic, introvert, anti-social, nerd. Nagmamasid lang sila sa lahat ng mga bagay bagay pero sa loob ng mind nila maraming comments ang mga yan. Hindi mo lang alam pinapatay ka na nila sa isip nila. Observer din sila. Ultimo pag kulangot mo nakikita nila. Whatch out.


3. Slowpoke. Yung level ng common sense nila uhmmm below normal. Or turtle/snail net yung pag-loading ng info sa utak nila. Tapos na kayong tumawa siya tatawa pa lang. Intindihin na lang natin sila.


4. Happy Go Lucky. Pero nag-aaral naman "daw" ng mabuti. Sila yung di masyadong dinidibdib yung pag-aaral ngunit kahit papaano nag-aaral. Gets? Hahaha Hindi sila grade concious - kung ano lang ang nakayanan ng utak yun na. Mostly matalino din naman sila. Yun lang di masyadong responsible. Tamang aral. Tamang review lang. Sila din madalas magkapit-bisig sa quizes at exams (basta mag ka-set ng testpapaer).


5. Doctors. Ang hirap kasi ng lesson kaya kapit sa bolpen na pinangsagot mo para di halata and lets do the surgery. Hahaha Tamang gamot lang naman. Pero ako nurse pa lang. XD


6. Yung mga punyemas na nagtatago ng ID, naglalagay ng used bottled water, buhangin, bato, wrappers, dahon sa bag, nagpapaligo ng polbo sa buhok. Saklap.


7. Lab Teams. Yung iba katuwaan lang. Yung iba sila talaga. Yung iba palihim lang. Yung iba ginawang SOGO yung classroom.


8. Mga Dont Give Up ang motto sa buhay. Sila yung Gh4ni2 m@6tHype eFhowRt lezxz. (Kinina ang hirap!)


9. Hater. Judger. Nakaka-PROVOKE naman kasi yung iba. Ang daming arte sa buhay. Ang daming drama. Ang OA. Ang yabang pinaglihi sa AC. Ang childish. Ang epal. Akala mo kung sino parang yung nag-sulat nito. (Oo na, judge only the person if you know her/his story pero libre ang hate *wink*)


10. Who Cares. Mga walang pakealam sa nangyayari. Yung iba naka-earphone lang palagi kahit wala naman music. Don't-talk-to-me lagi yung face nila. Basta hindi sila nakikipag-interact basta basta.


Others. E.g : yung mga namumulot ng bolpen, di nagbabalik ng bolpen, laging humihingi ng yellow paper. Yung mga makabasag pinggang mga singer, profs pet, yung sinasabihan ng "estudyante ka ba?" ng prof, yung laging puyat kasi may ka-call ng 4 hours kaya sa school minsan nag-nanap, yung paboritong pinagbubura lagi ng board at mga patuloy na lumalaban sa buhay kolehiyo para sa ekonomiya at kinabukasan sa hinaharap.