Tuesday, June 30, 2015

Ipis na feeling Butterfly



Ang Ipis na feeling Butterfly


Isang araw, sabihin nating mga  ala una ng tanghali, sabado, kung saan tirik na tirik ang haring araw. Mainit at maalinsangan. Nanlalagkit sa pawis, nangangamoy sa maasim na pawis. Napagpasyahan ni Bebang na maligo na muna.


Pero bago yun, bumili mo na siya kina Aling Charo ng Safeguard, Palmolive, Creamsilk at Colgate.


“Grabe ang init talaga” parang sirang plakang paulit-ulit niyang binibigkas. Animoy isang orasyon na tumatawag sa mga diyos ng hangin at tubig. Iniimbitahan ang kalikasan na umiyak ng sangkaterbang luha para madiligan ang naghihinaglong lupa.


Kinuha niya ang kanyang Hello Kitty design na tuwalya at pumasok na sa kanilang banyo. Excited ang kanyang katawang damhin ang ginhawang maihahatid ng tubig sakanya pansamantala. Binuksan na niya ang faucet kasi wala naman silang shower. Hinihintay na mapuno ang timba na siyang pinaglagyan dati ng tinapay. Napuno ang timba at pinatay ang gripo.


Dahil sa mahika na taglay ng mahiwagang CR at tubig sa timba. Hindi muna siya naligo. Nilaro-laro muna niya ang tubig na animoy may mga sirena at isda na lumalangoy sa timba. Ang tabo ang siyang nagsisilbing swimming pool ng kanyang toothbrush na magliligtas sa malulunod na mga taong nagmula sa kanyang malikot na kathang-isip.


Natapos ang limang minuto. Maliligo na talaga siya. Kinuha ang tabo, sinalok sa timba, pinuno at handang ibuhos sa kanyang katawan. Isa. Dalawa. Tatlo. Tumigil ang tabo sa ere. Hindi siya makagalaw. Hindi niya alam ang gagawin sa agaw eksenang insekto na lumilipad sa apat na sulok sa kanilang CR.


Nabitawan niya ang tabo.


Tumayo at bigla siyang lumabas.


Nagsisigaw siya.


“Siyet!”

“Fak”

“Tungnu”

“Ipis, Oh my G!”

“Ipiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiis”


Sa kakatakbo niya. Nakarating siya sa kanilang sala. Tatlong pares na mga mata ang gulat na nakatitig sa kanya. Doon lang ulit pumasok sa kanyang pag-iisip na tanging “panty” lang ang kanyang suot.



Sa kasamaang palad, dito na nga nag-mula ang ideya at inspirasyon ng kweto at panahon ng mga  ipis ng feeling butterfly.

Sunday, June 28, 2015

Soon... Be Better.

Untold
(left alone)

Umuulan noon.
Natatandaan ko pa yung araw na yun. Kung kailan mo ako tuluyang iniwan. Hindi man lang nag-paalam. Hindi man lang nagsabi kung saan ang pupuntahan. Ni “ha” ni “ho” wala. Ngunit patuloy parin akong naghintay. Kahit hindi sigurado kung babalik ka pa. Pero. Umasa parin ako. Sayo. Lumipas ang panahon.

Umuulan ngayon.
Natatandaan ko parin yung araw na yun. Kung kailan mo ako tuluyong iniwan. Marami na ang nag-bago. Pero. Ang tinitibok nito,hindi. Nandito ka na. Sa tabi ko. Nangakong hindi na ulit ako iiwan. At magsasama nang walang hanggan. Ako rin. Pramis.

Umuulan pa rin. 
Nagising ako. Sa katotohang hindi na talaga maibabalik ang nakaraan. Panaginip lang pala ang lahat. Pero. Natatandaan ko parin talaga yung araw na yun. Kung kailan mo ako tuluyong iniwan. Siguro nga may katapusan ang lahat. Hindi nga lang sa paraang gusto mo. Sana. Sumikat na ang araw. Bukas....