"Papel de
Pag-asa"
Saktong pasado ala una nang
pumasok ako sa room. One sit apart. Umupo na ako sa unahan sa may malapit sa
proctor. Nagbayad ng dalawang piso para sa test paper.
Magkakalayo kami ngayon
ng mga kaibigan ko. Medyo late kasi ako
dumating. Nagumpisa nang magdasal sa lahat ng santo at sa mahiwagang ensaymada
na sana gabayan ako.
Patapos na ako.
Effective
ang dasal. Pero mas effective sa mga kaklase ko ang kumakalat na gamot. Gamot
sa tinitigang papel. Gamot sa lahat ng fill in the blanks, enumeration at
identification. Gamot sa impeksyon na nagsimula sa isa na ipinasa sa kaibigan
at ipinasa ulit sa kanyang another circle of friends na: "Tol/ beh wag na
tayong mag-review. Bahala na si Pot-Pot at Mai-Mai. Baka may mamahagi na naman
ng kaalaman at kodigs. Hahaha"
(Hope to be publish in our
university literary portfolio)
Naranasan kong mangopya at magpakopya. Pero hindi ko naranasang mag-kodigo. At the end of the day, ang pag-aaral ay sample ng totoong buhay kung paano ka makakasabay. Kung gusto mong madali, pahihirapan mo sarili mong gawin yun. Kung mabulilyaso, hirap ang kasunod nun. Pero hindi pa naman matatapos ang buhay. Mahihirapan ka lang ng mas matagal at matututunan mong mag-adjust dahil no choice. Sino ang natuto? Sino ang niloko? Naalala ko sabi sa akin ng dati kong amo: "Boyong, nakita ko maganda grade mo sa TOR. PERO BAKIT HINDI KO MAKITA SA PERFORMANCE MO? PINAGAWA MO LANG BA YAN SA RECTO?"
ReplyDeleteIndeed Sir. Ako din as a student nangongopya at nagpapakopya at the same time. Pero the kodigo part,ibang usapan na yun. Yes, nakapasa ka nga, kaso ni hindi mo man lang natutunan kung ano yun. Nasa sa iyo na yun kung magpapaanod ka sa hamon ng buhay o magpapalutang na lang sa papel ng pag-asa.
Delete